Ganito ginugunita ng mga tao sa Bayan ng Tayabas City ang Araw ng Palaspasan o Linggo ng Palaspas. Maraming tao ang Pumupunta sa simbahan ng Tayabas para mag pa basbas ng palaspas. Yung iba ay bumibili ng palaspas sa mga nagtitinda nito sa labas ng simbahan. At yung iba naman ay may kanya nang dalang palaspas. Punong puno ng mga tao ang simbahan. Yung iba ay nasa labas na ng simbahan, dahil puno na sa loob.
Ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma ang Linggo ng Palaspas, bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem. bago mag simula ang Mahal na Araw.
No comments:
Post a Comment