Tuesday, December 6, 2016

DIKSYUNARYO NG TAYABASIN

A

ABYAD - asikaso

ADYO - akyat sa stairs

Alab alab-kunwari

Alang-ang- isang uri ng pagkain n mag hipon ilog at buko or murang niyog

ALIGWA-abuno 0 paara/pwde rin kapalit

Alisis-nilalagnat

AMOS-dumi sa mukha o dungis

ANLUWAGI-karpintero

ANG-G0 - amoy kambing

ANTA-amoy ng lumang mantika (langis)

ANTAK- hal. umaantak ang pigsa sanhi ng paghahakot nana. kumikirot sa sakit

ANTISIPO-deposito

ASUKAL NA PULA - brown sugar... wala naman pong pula.

ATSUS---expression na di naniniwala

B

BALAGIIT-tunog ng makalawang na bisagra ng pinto

BALAGTAS- tawid sa kalsada

BALAGWITAN-sabitan

BALAM-mabagal

BALIKWAS-mabilis na pagbangon o pag alis

BALIMBING-AC/DC

BAMBANG - kanal

BANGGERAHAN - lababo

Bangi - inihaw

BANGKO - Upuan

BANGKUKANG - ipis

BANIL - latay

BARINO-galit/mabanas-maalinsangan o mainit ang panahon/banas-asar

BATINGAW - kampana, baril (kolokyal na kahulugan)

BAYSOK-tubo o kawayang may butas (pamburiki)

BAYUKOS - gusot

BIGHANI - dating kilalang parlor sa TAYABAS

BIGWAS-umbag

BILARI-painitan sa araw

Bilot-tuta

BINGAW-sa itak may bungi ang talim

BINGWIT - panghuli ng isda

BINLID-durog na bigas

BIWAS - fishing rod

BUKSI - buksan or "open"

Buro-lasing

buringki-nabuwal

BUSA-alsa (like popcorn)

BUnSURAN-harapan ng bahay

D

DAMAK - ilang beses na pagkuha ng kanin

DAMAKAN - bandehado o lalagyan ng kanin

DAG-IS - ungol pag matatae

DASIG or IPUD - urong or "move"

DAYAG-hugas ng pinggan o plato

DE langis-maganda

DRANGHITA - dalanghita

DYABLEG - expression pag nasusura

E

ERGOHAN-tsismisan o huntahan

G

GALAWAN - Laruan / Toy

GALAS - Ugali ng Lasing na gustong maghurementado

GALBOK - alikabok

GARALGAL-naginginig na boses

Gaspang- bastos

GA-UD-sugod, aguyod, lakad

GILAMO-insektong makati sa balat (basil)

GIS-AK-biyak

GULOK - itak

GUOPI - saraduhan

H

HAGAS-stress

HAGIKHIK-tawang maluha luha,impit

HALBOK - alikabok

HAMBO-ligo

HAMBUG - sinungaling

Harumba-magbungkal ng lupa

HIBI-expression ng paiyak

HIGNAW-wala ng lagnat

HIGSAL-tulog

HIWI-tagilid n mukha

HULAB-tagas o leak

I

I-AGN0-ihatid

ILOHAN-para sa pandan o buli

Iwang - punas pwit

K

Kadlo- umigib ng tubig

KAHALIG-kapalit o kahahalilI

KAHIMAN - owss, bagaman

kakabareno-na iinis

KALAMYAS - kamyas

KALEHADA - "lemonade"

KALDU - sabaw

KAMPIT - kutsilyo

KANDADUHI - kandaduhan or " lock "

KAPARA JING-JINGAN -- Kapural, kasama sa usap

KAPURAL -katilam tilam, kaabot usap, may pasimuno

katang-alimango/alimasag

KATILAM-TILAM - kapural, kaabout usap, may pakialam

KATMON - katmon din ata??

KAYASKAS-magaspang

KI-ING-pagtatama ng talim ng lagari

KIMAW-tabingin braso

KINAKALANTARI-namimilyo ng tsiks

KWITIB - Langgam

KWITIB NA MALAKI - himimigtas

L

LABIT - dala

LABYOK-kilo o kurba

LAGITGIT-balagiit o tunog ng nagkikiskisan bagay

LAHUROT-naubos ang lakas kakainum o nasobrahan ng tagay

LANGGABOS-bungasngas o bulwang

LANGIS- Mantika

LAYON-malalim na ilog

LIBAG - kapatid ng hima

LIBTOK - buntis (bagong meaning na eto heheheh)

LIGSANG-naiwang niyog

LIGWAK-natapon o nabubo

LIK LIK- paglalakad sa makitid na kalye o pilapil

LINANG - bukid

LINO - kaning baboy

LINO-AN - lalagyan ng kaning baboy

LINTOK-pinagandan LINTIK

LOS-OK-buslo

LUMIBAN-tumawid sa kabila

LUMON-paborito ng mga kalalakihan (ga papaya) pswede ring sobrang hinog na prutas

LUNDO-lawlaw

LUYA-panget na hugis ng hinlalaki sa paa

M

MAGAROL-hindi maganda ang ikot o tantaryuti

MAGHIHISO - mag sisipilyo

MAGISO-malikot/magulo

MAGKABOG - mahulog

MAGPA-TUPI - Magpa-gupit (buhok)

MAKIRAW-malaboo maguri

MAMAHAW-i-extra ng pagkain kadalasan ay bahaw ang kanin

MAMBABAOY, MAMBAOY - mahilig isumbat ang naibigay o naitulong

MAMULPOG- maglaro sa alikabok, tulad ng ginagawa ng manok o ibon

MAMUNGKAL-magbulatlat ng pagkain..minsan gawain din ito ng pusang LA-OG.

MANGANGATANG-magnanakaw ng niyog sa niyugan ng may niyugan

MANGHINGUTO-mag alis ng kuto

Mapuat-mahulog

MARAGOSO-ampalaya

MAYPA BIHON - merong handaan

MAYPA SWATANGHON - katulad ng may pa bihon. Sotanghon nga lang ang handa

MERKADO-palengke

MIDIDA-manukat 0 measuring tape

MIDIDA-panukat, measuring tape

MININDAL - meryenda

MITI-larong ng turumpo

MURA-buko (young coconut)

N

NAADUWA - nandiri

NA-AY-AH - isang expression, na nakita ang isang bagay

NA-AY-EH - medyo inis na kesa NA-AY-AH

NABIGTAL - naputol

NAK-NAK- galis na may nana

NALILIYO - nahihilo

NAMUMUNGKAL - naghahanap ng makakain

(img:424800540892622)

NAPAGKAYARIAN - napag-kasunduan sa meeting or pulong

NASISILO - nasisilaw

NAWIKAAN-nasabihan ng hindi katanggap tanggap

NGUD-NGUD-nadapa na ang una ay nguso Oo buong mukha

NIYAKAG-niyaya

P

PAANYO-magluto

PA-ATO - Pasubok / Pa-"Try" / Pa- "Testing"

PAAYAW-AYAW ---Pakipot pero gusto

PAKING - paulit ulit, pabalik balik, santing kulit at hindi mapagsabihan

PAMIPI - palo palo

PANAOG - bumaba

PANG-AL PANG-AL-tangay tangay sa labi

PANGUD-mapurol

PANHIK - akyat

PIL-PIL- siksik

PINAW-pagkuha ng kinula

PULASI-latian

Pumunit- tumakbo

R

REPINADO - asukal

RIRIMBU - maliit na isda sa kanal madalas ay sa tapat ng bahay

S

SALDO - hindi official na kasama pero sumama sa party or nakikain

SALTAK- hinayang

SALTIK-untok

SAMPIGA - sampal

SARHI - sarhan, isarado or ipinid ( sa malalim na tagalog )

SIKU-SIKU - Type or uri ng SINTAS na pa curve

Silab-apoy

SILOK-kutsara

SILONG - ibabang bahagi ng bahay

SIMPAN - linisin ang nakakalat

(img:425622614143748)

SIMPLANG-daplag o dulas

SINGKALANG - daplag, natumba, nawalan ng balance

SINTUNIS - kalamansi

SIPAY - mangunguha ng bata

SINUKMANI - isang uri ng kakanin, meryenda, minatamis, na gawa sa malagkit na kanin

STAR APOL - kaimito

SUKING - sando

SUMIRKO - bumaliktad

SUPOT!- di pa tule

SUPOT-plastik o lalagyan

SUTIL-pasaway

T

TALAKSA-salansan o pagkakaayos

TALPOG-nalusaw ng apoy

Talsik-tilapon

TAMPAL P*ki -isang uri ng ISDA

TANG-TANG- malapit ng tulian

TERNOHAN-simpleng paluwagan pero mag ingat din sa kabisilya

TIGKAL-makapal na mantsa o dumi

TIKANGKANG-nakabukaka

TIMBURA - boy bawang na ngayon

TIMBUWANG - nabuwal or nabaligtad

TIMOS-luko

TINANAN - di na inuwi ang katipan na babae.

TOMAR-iinum ng gamot

TUNG-GAK-torpe o gago

TURAN-sabihan o sabihin

TUY-OK- natuyong palayan

U

UGOY- uga

ULBOK-tambok

ULTAW-may kaunting nakalabas o nakausli

YAON - umalis

YASAK-gawain ng magsasaka sa tubigan..pagbabalubok ng damo sa tubigan

4 comments:

  1. napansin ko lang na walang word na pati,ano po ang meaning nito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same tayo ng hinahanap HAHAHAHA

      Delete
    2. Pati (also) - at saka

      Delete
  2. How to say I like you

    ReplyDelete

Richard N. Cabile

All about myself. Everything I know I will teach you.

Read more..

My Motto in Life: Time is Gold.