Sunday, September 13, 2015

Bakit Madaming Mahirap Sa Pinas?

mahirap

Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat na ito ay konektado sa isa’t-isa. Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng pilipinas.

Kung ating titignan ang kalagayan ng mga mag-aaral, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag-aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na maghanap ng trabaho o di kayanaman ay huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Dahil sa mataas na matrikula sa kolehiyo nawawalan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho. Dahil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho.

Ang ilan naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”.

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.

Nakakatawa mang isipin pero yun naman talaga ang nangyayari. Dahil sa kawalan ng trabaho ang iba ay nag-aasawa ng maaga ang ilan naman ay maagang nabubuntis.

DAhil sa pagiging iresponsable ng ilang magulang, napapabayaan nila ang kanilang mga anak. Ito’y nagpapatunay na ang kawalan ng trabaho ay nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon na siyang nagiging bunga ng kahirapan. Habang lumalaki ang bilang ng populasyon ay may mas malaking posibilidad na lumalaki rin ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa. Anu ba ang dapat gawin ng pamahalaan? May magagawa ba sila sa lumalalang kahirapan sa bansa kung mismo ang nasa pamahalaan ang nagiging dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino? Dahil sa malaking usapan hinggil sa pork barrel ang malaking tanong sa isip ng mga Pilipino ay kung saan napunta ang pera?

Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng ilan sa mga pulitiko para sa sarili nilang interest. Dahil sa mga kawatang mga pulitiko ay lalong naghihirap ang mga Pilipino. Dahil sa korupsyon lalong tumataas ang kahirapan sa Pilipinas.

Malaki ang nagiging epekto ng ganitong epidemya sa ating bansa. Ang epidemya ng kahirapan ay malaking suliranin ng ating bansa. Sa panunungkulan ni dating NCRPO Chief Alan Purisima, tumaas umano ang krimen at nagkaroon ng tinatawag na "crime wave" sa maynila. Dahil sa kawalan ng edukasyon wala silang kakayahan maghanap ng magandang trabaho. Eto ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng krimen sa bansa. DAhil sa kahirapan sa buhay mas pinipili ng ilan na magnakaw, at pumatay para may maipakain lng sa kanilang pamilya.

Ang problema sa kagutuman ay mauugat sa problema sa kahirapan na resulta ng kawalan ng trabaho at kakula­ngan ng trabaho. At ito ang dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang bilang ng mga dumaranas ng kagutuman, kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa.

Sa patuloy ng pagtaas ng mga bilihin ng lahat ng uri ng pangangailangan ng tao sa buhay ay mas lalong naghihirap ang mga mamayang Pilipino.

Sa aking pananaw ay makikita natin na wala pa rin pag-unlad ang bansang Pilipinas. Kung walang pagbabago ang bansang pilipinas, bakit hindi natin eto simulan sa ating mga sarili. Kung hahayaan natin na daigin na lamang tayo ng kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng pagkatao mayroon tayo, hindi malayong tayo ay maging mga alipin ng kahirapan.

Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka sa kahirap at nagnanais na makaahon mula rito. Ang kahirapan ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay hinaharap at nilalabanan. Tuluyan tayong magiging malaya kung patuloy tayong magsisikap na makaahon sa kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng mangyari. Syempre kung naghahangad tayo ng pagbabago, nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa ibang tao.

Recently nag-conduct kami ng Survey Question sa group ng mga Filipino Entrepreneurs.

Tinanong namin sila kung ano sa tingin nila ang reasons bakit madami ang mahirap sa Pinas.

Eto yung mga naging sagot nila:

"Walang ambisyon sa buhay kuntento na kung ano ang meron" ...Harold

"Takot mag invest para sa kinabukasan nila, nanjan na lahat ng opportunity... Wala nganganga lang! Ayaw sungaban dahil takot sa halagang mawawala sa kanila sakaling i-invest nila ito, Dun lang lagi naka focus ang isip nila, basta pag may ilalabas or i-invest ayaw na nila agad sunggaban ang opportunity. Hangang dun lang ang isip nila. Ayaw nila isipin ang success na kalalabasan nito. Inisip nila agad lugi na sila simula palang. Kaya ayun... Walang asenso sa buhay, mahirap pa rin ''kung baga TAKOT SA RISK" ...Miraluna

"Kaya maraming naghihirap kc umaasa sa tulong galing sa government! At wala clng bukang bibig kng ndi "bahala na"or "mamaya na" ...Faith

"Wala silang sapat na kaalaman sa financial education, kaya majority ay dumedende sa ating gobyerno" ...Paolo

“Karamihan kasi sa ating mga Pinoy, komportable na sa buhay-mahirap. "Ganito lang talaga ako, dito lang talaga ako, ito na kapalaran ko, kaya tanggapin ko na mahirap lang talaga ako" or words to that effect. Iba ang mindset kasi ng 90% of Pinoys. Pag sinabi mo sa kaibigan mo, "Gusto ko maging milyonaryo", usual reaction is "Ang taas naman ng pangarap mo kaibigan. Tanggapin mo na lang kung ano meron ka at matuto kang magpasalamat doon. Wag mo na pangarapin maging milyonaryo. " Believe me, most of the time eto sasabihin. Na para bagang isang napakalaking kasalanan kung may marami kang pera, na isa kang milyonaryo, o kahit mangarap ka man lang na maging milyonaryo. Kaya tayo di umaasenso. Kung baguhin lang natin ating mga pag-iisip, na hindi masama magkaroon ng maraming pera, hindi masama ang umasenso, kasi magagamit natin yun to bless others and to give hope to those hopeless. Money is a blessing if we can bring heaven here on earth, so kahit anong mangyari, I WANT TO BE RICH!” ...Arlene

“Bakit mayaman ang Pilipinas pero mahirap ang maraming Pilipino? Marami naman kasi ang taong tamad. Wala nang inisip kundi ubusin ang oras sa pagsasaya, sa pagtulog sa pagpapahinga, sa pag iinom, sa pagtsitsimisan, sa pag lilibang pero walang ginagawa na productive effort. Proverbs 20:13 If you love sleep, you will end in poverty. Keep your eyes open, and there will be plenty to eat!” ...Ricky

“Living in a poverty mindset and misinformed about the opportunity that the internet can offer.” ...Edison

***P.S. - May point naman talaga silang lahat tama ba?

Ikaw ano sa tingin mo ang dahilan bakit madami ang mahirap sa Pinas? Pwede ka mag-coment sa baba kung ano sa tingin mo ang mga dahilan bakit madami ang mahirap sa Pinas.

Thanks for reading this article.

Have a great day!

To your success..


No comments:

Post a Comment

Richard N. Cabile

All about myself. Everything I know I will teach you.

Read more..

My Motto in Life: Time is Gold.