Basilika ni San Miguel Arkangel is one of the oldest church in Quezon.Tayabas Church is located in Quezon Province.The church is the largest in the province of Quezon; and is built in the shape of a key. Locals often refer to the church as (Susi) ng Tayabas ("The Key of Tayabas"). The church's 103-metre (338-foot) aisle also has the longest nave among Spanish colonial era churches in the Philippines.
Ang basilica, sa orihinal na pakahulugan ng salaita ay isang malaking bulwagan, malawak at maraming palamuti at may kakaibang estilo ng arkitektura na akmang pinagdarausan ng malakihang pagtitipon sapangunguna ng Emperador sa kapanahunanng Imperio Romano.
Ang basilika ngayon ay titulong natatangi naipinagkaloob ng Santo papa sa Simbahang Katoliko na may kakaibang kagandahan, may makasaysayang kahalagahan sa local na simbahan at nagiging sentro ng buhay Kristiyano. Itinuturing ito na simbahan ng Santo Papa.
Ang Basilika Menor ay titulong iginawad ng Santo papa, Juan Pablo II sa simbahan ni San Miguel Arkanghel ng Tayabas noong Oktubre 1988 at maringal na ipinoroklama noong Enero 21, 1989. Ang Simbahan ng Tayabas ay pinakamatandang simbahan sa Diyosesis ng Lucena. Nag-aangkin ito ng katangi-tanging larawan at sining liturhiko at nagiging sentro ng mga liturhikong pagdiriwang. Pinagdarayo ito ng mga tao dahil sa pagdedebosyon kay San Diego de Alcala kaugnay ng mapahimalang pagpapagaling nito sa mga maysakit.
No comments:
Post a Comment